la la la... ♥

Wednesday, October 15, 2008

I MOVED already :))
Goodbye, blogger. Hello, wordpress :-)

Labels:



Aning :) thought hard on 3:13 PM.
0 comments




affiliation na :) ♥

Sunday, July 20, 2008

All my bags are packed and I'm ready to go...

Hahaha. So bukas ng 4am ang alis namin dito sa San Pablo. 7am daw kasi ang orientation sa Mental hospital bukas. From July 21 to August 1 ang duty ko dun. Hindi ko alam kung makakapagblog ako don. Sa convent kami magsstay, sa Tondo. Woooo balita ko may mumu daw dun. hahaha. :P Excited na rin ako, pero kinakabahan ako eh. Goodluck na lang!

Kila Ate Ava ako matutulog, para sabay-sabay na kami tomorrow. Grabe ang laki ng maleta ko! As in, nung nakita ko nga eh sabi ko shucks ano namang ilalagay ko sa maletang to sobrang laki. Tas kanina nung inilagay ko na yung mga gamit ko, hindi kasya! Kaya ayun, may bitbit pa kong extrang bag. Pft. Feeling ko mapapagalitan ako ni sister pag nakita nya tong dala ko, baka sabihin nya dinala ko na buong bahay namin! lol :P

Nga pala, nakakatuwa kasi baka magkita kami bukas ni sis Grace sa mental :)) Pareho kasi kami ng sched ng duty =) Sana makita ko sya bukas. Orientation naman eh. Ang galing nga kasi sa dami ng groups nagkataon pa na pareho kami ni sis ng sched =)

***

Hay. Mamimiss ko ang internet, pc ko, mga pinapanood ko sa tv grabe waaahh, pati bahay namin mamimiss ko ng sobra :(( huhuhu.

Labels: ,



Aning :) thought hard on 7:16 PM.
4 comments




super fast? ♥

Sunday, July 13, 2008

Prelim Exams are over :) I only had 3 exams: Church, RLE, and Constitution. Nag-aral talaga ko sa Church, ayokong ibagsak yun. Nagmemorize talaga ko kasi kung hindi, wala akong maisasagot sa enumeration. Pero may mga hindi pa rin ako nasagutan. Ok lang naman, feeling ko pasado ko don. :P Sa RLE naman, as usual nosebleed ang exam. At ang Constitution, grabe as in wala akong pinagaralan don. Hate ko talaga ang subject na yun. Nung exam ko nga lang nagets yung mga Search warrant at Warrant of arrest chever eh. Hahaha.

***

May dysmenorrhea nanaman ako. :\ Badtrip. Ngayon ko lang ulit naexperience yung sobrang sakit na yun. October 2007 pa yata nung last ko naexperience to eh, sinugod pa ko sa hospital nun. Natakot ako kanina kasi nag-DOB (Difficulty of Breathing). Medyo pallor na din ako. Gusto ko na nga magpadala sa hospital kasi nahihilo na talaga ko. Ang hirap talaga. :(( Buti na lang meron pa kong Ponstan SF (Super Fast) dito. Kakainis nga eh, akala ko pa naman SF talaga yun, eh 30 minutes bago umipekto sakin! Hmp. Hindi sana ko iinom ng pain reliever eh, kaya lang di ko na talaga matolerate yung sakit. Mababa talaga pain tolerance ko eh.

So nagtake ako ng analgesic. Malamang mamaya eh mamamaga na ang mata ko. Medyo nafefeel ko na sya ngayon. Hay. Grabe talaga. Ayoko ng maramdaman ulit yung kanina. :((

***

Next week na start ng affiliation ko! Para ngang ayaw ko umalis eh. Excited lang ako mamili ng mga gamit na gagamitin ko. Hahaha.

Labels: , ,



Aning :) thought hard on 4:43 PM.
2 comments