affiliation na :) ♥

Sunday, July 20, 2008

All my bags are packed and I'm ready to go...

Hahaha. So bukas ng 4am ang alis namin dito sa San Pablo. 7am daw kasi ang orientation sa Mental hospital bukas. From July 21 to August 1 ang duty ko dun. Hindi ko alam kung makakapagblog ako don. Sa convent kami magsstay, sa Tondo. Woooo balita ko may mumu daw dun. hahaha. :P Excited na rin ako, pero kinakabahan ako eh. Goodluck na lang!

Kila Ate Ava ako matutulog, para sabay-sabay na kami tomorrow. Grabe ang laki ng maleta ko! As in, nung nakita ko nga eh sabi ko shucks ano namang ilalagay ko sa maletang to sobrang laki. Tas kanina nung inilagay ko na yung mga gamit ko, hindi kasya! Kaya ayun, may bitbit pa kong extrang bag. Pft. Feeling ko mapapagalitan ako ni sister pag nakita nya tong dala ko, baka sabihin nya dinala ko na buong bahay namin! lol :P

Nga pala, nakakatuwa kasi baka magkita kami bukas ni sis Grace sa mental :)) Pareho kasi kami ng sched ng duty =) Sana makita ko sya bukas. Orientation naman eh. Ang galing nga kasi sa dami ng groups nagkataon pa na pareho kami ni sis ng sched =)

***

Hay. Mamimiss ko ang internet, pc ko, mga pinapanood ko sa tv grabe waaahh, pati bahay namin mamimiss ko ng sobra :(( huhuhu.

Labels: ,



Aning :) thought hard on 7:16 PM.