rants + chismis ♥

Tuesday, July 8, 2008

Ngayon ang last day ng duty ko sa Medical-Surgical ward! :)) Hahaha. Sa wakas, natapos na din ang duty ko don, hate ko talaga ang ward.

Kanina, tinotoxic ako ng CI ko. Tamad na tamad pa naman ako kanina, tas andami kong kailangan gawin. Ewan ko pero wala ako sa mood eh. Yung isang patient ko last week, sya pa rin patient ko for this week. Ang tagal na nga nyang nakaadmit eh. Naaawa tuloy ako. Anyway, naiinis ako sa mga staff nurse kanina. Hindi kasi maganda attitude nila. Hindi lang naman ako ang inis sa kanila, pati mga groupmates ko. Nakuu grabe talaga! Hindi ako makapagrant ng ayos dito kasi masyadong public eh. Baka may makabasa pang iba. Basta inis ako sa kanila! At masaya ko dahil tapos na ang duty ko sa ward na yon. Kung maa-admit man ako sa hospital na yon, sana sila ang nakaduty, para makaganti ako! *evil laugh* lol ang sama eh noh.

Next week, CHN (Community Health Nursing) na duty ko. So medyo relax na don. Buti naman :) Miss ko na kasi yung kinakainan namin dun na mura lang. P10 lang ang chicken! :P Siguro nagtaas na yun ngayon.

***

Baka bumalik na yung Istarshine.org ko :) Inaasikaso ko lang sa ngayon at hinihintay ko lang yung reply sa email ad ko. Then pwede ko na syang magamit ulit :)) Nanghihinayang kasi ako sa domain eh kung hindi ko magagamit. Miss ko na pati gumamit ng smilies =) Feeling ko kasi ang boring ng blog ko eh. Haha. Pero ayoko ng maraming chever na plugin. :P

***

Crush Update. :P Yung crush kong doctor, baka hindi ko sya makikita sa duty ko sa ER next month. Kasi every Sat & Sun lang duty nya. Nabalitaan ko kasi na Municipal Doctor (tama ba yung term?) na sya. :)) Galing noh? Thanks sa CI ko, sya ang nagkwento sakin. hehehe. So ayun, ayos ang raket ni dr. crush ngayon. Balita ko pa, sumali yung anak nya sa PDA Little Dreamers =)) Nakapasok daw yung anak nya sa Top 100 :) O di ba galing? hehehe.

Kinuwento pa ng CI ko na nung may nirerevive daw sila ni dr. crush na patient sa ER, andon daw yung anak ni dr. crush, napanood nya yung ginagawa nila.. After nila masave yung patient, sabi daw nung anak nya: daddy when I grow up, I want to be a doctor like you :) Aww. nakakatuwa noh? :)) Anyway, naging crush ko lang naman sya kasi twing makikita ko sya, muka syang fresh talaga. Kahit ilang araw sya duty, mukang mabango pa rin :) hahaha. At matalino talaga sya. Yun nga lang, medyo mayabang. Hmp. Di bale, hanggang tingin lang naman ako. hahaha.

...

Sigh. Kahit ilan naman maging crush ko, isa lang naman ang love ko :P

Labels: , , ,



Aning :) thought hard on 10:33 PM.